Naghandog ang Philippine Sports Commission ng salo-salo, palaro, at sports equipment sa mga kabataan ng Pangarap Foundation, Inc. bilang pakikiisa sa National Day of Charity.
Idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang araw na ito, Oktubre 30, bilang pagsasabuhay ng halaga ng kawanggawa at pakikipagtulungan para sa mas matibay at nagkakaisang mga komunidad sa pamamagitan ng Proclamation No. 598.
Dinaluhan ni PSC Comm. Walter Francis Torres ang programa at ibinahaging ang sports ay isa sa mga maaaring tahaking landas ng bawat kabataang nangangarap para sa mas maayos na kinabukasan.