Handa na ang Philippine Sports Commission sa 2019 Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa City, Palawan sa Agosto 25-31.

"The PSC is ready for the growing­ number of delegates that will take part in the games," hayag ni National Secretariat head Manuel Bitog nitong Lunes.

 

Tinatayang 10,000 athletes, coaches, technical at delegation officials mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa ang inaasahang sasalang sa 31 sporting activities.

 

May 10 billeting areas ang kinuha ng PSC para sa accommodation ng delegations mula sa 234 local government units.

 

Ito'y ang Sta. Monica Elem. School, Sta. Monica High School, F. Ubay Memorial Elem. School, ­Manuel Austria Memorial Elem. School, Sicsican Elem. School, Sicsican High School, Puerto Princesa Science­ High School, Palawan National School, Puerto Princesa Pilot Elem. School at San Jose Nat'l High School.

 

Ayon kay National Secretariat senior member Teresito Fortaleza, nagsasagawa ang PSC team ng final occular inspection sa competition at non-competition venues para sa national championships kasama si Puerto Princesa City Sports Director Atty. Rocky Austria.

 

Magkakaroon ng Children's Fun Run sa umaga ng closing day sa August 31, target ang 8,000 kids na lalahok.

 

Nilagdaan nina PSC Commissioner Fatima Celia Kiram at Puerto Princesa Mayor Lucio Bayron ang Memorandum of Agreement para sa hosting noong Hulyo 26.

 

 

 

 

Date: August 20, 2019 | By: Elech Dawa | Newspaper: Abante Tonite | Source: https://tonite.abante.com.ph/bitog-psc-handa-na-sa-batang-pinoy-nationals.htm?fbclid=IwAR1zQEH8sPRTgbE4lweLYzApUKZC4PHn5fqeyLQ7jh-5i9YeZom8L2Th2jk