May be an image of 2 people, people standing and indoor

 

 

MANILA, Philippines — Solidong suporta ang ipinangako ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann hindi lamang kay Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo kundi sa lahat ng mga national athletes.

Kaya lalong naging determinado ang tubong Zamboanga City na simulan ang kanyang maigting na pagsasanay para sa mga lalahukang international competitions ngayong taon.

“Importante iyon sa aming mga atleta na makita ang isang mataas na opisyales na sinusuportahan kami hindi lang financially, but also giving us the morale support that we really need,” ani Diaz-Naranjo sa courtesy call niya kay Bachmann.

 

Nakasama ng Southeast Asian Games at Asian Games champion sa pagbisita sa PSC chief si husband/tainer Julius Naranjo, sports nutritionist Jeanette Aro at team assistant Rowel Garcia.

Nakatakdang magtungo si Diaz-Naranjo sa United States at Japan para sumailalim sa training camp bilang preparasyon sa target na pang-limang sunod na Olympic stint sa Paris, France sa 2024. 

 

 

Date: January 19, 2023 | By: Russell Cadayona | Newspaper: Philippine Star| Source: https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2023/01/19/2238698/psc-itotodo-ang-suporta-kay-diaz