May be a closeup of 2 people

 

PORMAL nang naisalin kay Noli Eala ang pagiging chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng turnover ceremony kahapon sa main grounds ng ahensiya sa Rizal Memorial Sports Complex.

Dumalo si outgong chairman William ‘Butch’ Ramirez na siyang nagpasa ng watawat ng PSC kay Noli bilang hudyat ng pagpapalit ng administrasyon sa ahensiya.

 

Lubos na pasasalamat at pagsaludo ang ibinibigay ko kay Chairman Butch, na napakalumanay pero napakasipag na opisyal ng ahensiya ng sports sa bansa.

Sa kanyang termino nakamit ng Pilipinas ang unang gintong medalya sa Olympics, sa nagdaang 2020+1 Tokyo Games, sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz.

 

Dasal ng Benchwarmer na sa bagong liderato ni Chairman Noli ay maduplika, hindi man ay malampasan, ang 1 gold finish ng Pilipinas sa Tokyo, sa paparating na Olympics sa Paris, France sa 2024.

Kilala si Chairman Noli na sobrang mapagmahal sa sports, umaapaw ang kanyang passion sa trabaho at marami siyang magagandang ideya.

Madalas ko po siyang pinapanood sa Power & Play kaya masasabi kong alam na niya ang pasikot-sikot sa sports.

Kaya sa iyo Chairman Noli at sa bumubuo ng PSC Board good luck po sa inyo.

 

Date: September 5, 2022 | By:  Ferdz Delos Santos | Newspaper: Inquirer | Source: https://www.abante.com.ph/olympic-gold-uli-sa-liderato-ni-noli/?fbclid=IwAR0LCIuQkPGW7mGk6OQH3PUCMK-_7CRzKvGWwIlJeigJ85Jb78saabIRu5o