MANILA, Philippine – Sinabi ni Carlos Yulo na paghahandaan niyang mabuti ang napipintong pagbasabak sa  51st FIG Artistic Gymnastics World Championships na gaganapin sa Oktubre.

Galing si Yulo sa matagumpay na kampanya sa 9th Senior Asian Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar noong weekend kung saan sumungkit ito ng tatlong gintong medalya at isang silver.

Ayon kay Japanese coach Munehiro Kugimiya na bumalik sa Japan pagkatapos ng Asian tilt, na maaaring malampasan ni Yulo ang kanyang record sa 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England sa Oktubre.

“Maaaring manalo ng apat na ginto sa world championship,” ani Kugimiya matpaos ang pagkopo ni Yulo ng gintong medalya sa Doha.

Matatandaang hinulaan din ng Japanese mentor na susungkit si Yulo ng 2 ginto at 5 pilak na medalya sa 2019 edition na ginanap sa Pilipinas.

“Ginagantimpalaan na ngayon ang mga bunga ng aming mga pinaghirapan” ayon kay Kugimiya.

Ayon sa ulat, nagbakasyon si Yulo kasama ang kanyang pamilya sa Baguio noong Lunes at nananatili para sa natitirang maikling pahinga sa Heritage Hotel.

Babalik si Yulo sa Tokyo sa Biyernes upang ipagpatuloy ang kanyang build-up para sa mga world championship at magkakaroon ng All-Japan Senior Gymnastics Championships bilang kanyang huling tune-up tournament bago ang event.

 

 

Date: June 22, 2022 | By: Rico Navarro | Newspaper: Remate | Source: https://www.remate.ph/4-golds-target-ni-yulo-sa-world-championship-sa-england/