SABIK na si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala sa nalalapit na muling pagbubukas ng national grassroots sports development program para sa out-of-school youth, street kids at student-athletes na Philippine National Youth Games – Batang Pinoy sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ito ay matapos isagawa ng ahensiya ng gobyerno ng huling ocular inspection sa mga venue at alignment meeting kasama ang Ilocos Sur Provincial Government nitong weekend, habang papalapit ang 2022 Batang Pinoy (BP) National Championships sa nakatakdang pagsisimula nito sa Disyembre 17 at matatapos sa 22.

Inaasahan ni Eala ang paglahok ng 7,000 atleta, coach, opisyal, magulang at manonood, at 300 boluntaryo mula sa mga paaralan at pribadong kumpanya kung saan tiniyak ng Ilocos Sur LGU, sa pamamagitan ni Provincial Sports Coordinator Ryan Vera-Cruz sa kanilang kapares sa PSC na nakahanda na ang lahat ng mga lugar at kinakailangan para sa pagsasagawa ng mga laro.

Nakatakdang magsimula ang mga kompetisyon sa archery, badminton, chess, table tennis at swimming sa araw ng opening ceremony.

 

 

Date: November 26, 2022 | By:  Lito Oredo| Newspaper: Abante Tonite | Source: https://tonite.abante.com.ph/2022/11/26/psc-chair-noli-eala-excited-sa-pagbabalik-ng-batang-pinoy/?fbclid=IwAR251U_oPYLC7yfEzKCwwL9LaE6ITdqvrGicaCgliSolsOh6c7dFzgW_cxs