May be an image of 1 person and standing

 

NANINIWALA si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo na mas mapapagaan para sa atletang babae ang makapag-ensayo nang maayos kung babae din ang magiging coach nila.

Kaya naman iminumungkahi ng bowling great na si Coo na maglagay ng babaeng coach sa delegasyon ng sport na may mga babaeng atleta.

 

“If you are a female athlete, it is easier to relate to a female coach. I suggest that everytime the women’s team plays in an international meet, there should be a female coach in the delegation,” pahayag ni Coo.

Hindi maikakaila na sa kabuuang kampanya ng Pilipinas sa mga international competition, mas angat ang kababaihan sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.

 

Patunay dito ang mga karangalan na naiuwi ni Hidilyn Diaz na siyang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa nang pagreynahan ang weightlifting sa 2020+1 Tokyo Games.

Kaya naman, umaasa si Commissioner Coo na maisakatuparan ang kanyang suhestiyon na magdagdag ng mga babaeng coach sa pambansang koponan.

“I hope by the time my term ends six years from now, there will be an equal number of female coaches with our male counterparts,” ayon pa kay Coo.

 

Date: August 22, 2022 | By:  Annie Abad | Newspaper: Abante | Source: https://mb.com.ph/2022/08/19/pbbm-keen-on-sports-development/?fbclid=IwAR2p5uT8pAPa1eZ9-5k9wFAp6G36xM2IL6Evk10FoMFcAtT7RQ_HWZjbTJk