MANILA, Philippines — Kumolekta si Pinoy gymnast Carlos Yulo ng pinagsamang 41.833 points sa tatlong apparatus para banderahan ang individual all-around event ng 9th Asian Senior Gymnastics Championships sa Doha, Qatar.

Nanguna ang two-time world champion sa floor exercise sa kanyang 14.800 points habang nagtala siya ng 12.933 points sa pommel horse at 14.100 points sa still rings.

Kasunod ni Yulo, su­mabak sa nakaraang Tok­yo Olympic Games, sina Chinese bets Yin Dehang (41.800 points) at Yang Jinxiang (41.700 points).

 

Dahil dito ay umabante ang 22-anyos na si Yulo sa apparatus finals ng floor exercise bilang first-placer, pang-anim sa still rings at pang-20 sa pommel horse.

Sasalang pa si Yulo at ang iba pang partisipante sa vault, parallel bars at ho­rizontal bar na magdedeter­mina sa kukuha sa gold medal sa all-around event.

 

Nagmula si Yulo sa pagkolekta ng limang gold at dalawang silver medals sa nakaraang 31st Vietnam SEA Games.

 

Date: June 17, 2022 | By: Russell Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2022/06/17/2188971/yulo-bumandera-sa-asian-gymnastics-meet?fbclid=IwAR1jzLw9D5mfjDipDr25sdVciwtqj32fB0Bywmzht2kXPHo-7GslvX2opmM