Yuka, Bianca palaban sa Tokyo

Patuloy na solid performer si Yuka Saso sa Japanese ladies golf tour, samantalang sinundan ni Bianca Pagdanganan ng third-place finish ang naunang breakthrough ninth-place showing sa US-based LPGA Tour.

Maliwanag ang hudyat nito.

Kung ime-maintain nina Saso at Pagdanganan ang kanilang hataw, lulusot sila sa 70-strong cast ng 2021 Tokyo Olympics women’s golf event.

 

Kung ngayon na nga ang laban ay malaki ang tsansa nilang magmedalya.

Back-to-back championships ang highlight ng umaalingawngaw na rookie showing ni Yuka sa Japan.

Ginulantang din ni Bianca, 22 rookie rin sa LPGA Tour, g ang lahat bago nag-settle sa third-place finish sa Drive On Championship na natapos kahapon sa Greensboro, Georgia.


Dikit si Bianca sa champion na si Ally MacDonald.

“She is not a fluke. She is not a freak. She is the future,” ani lpga.com writer Steve Eubanks.

Kahit ang mga astig sa LPGA ay angat ang bala-hibo kay Bianca.

“She could definitely be a revolutionary figure in the women’s game,” ani Karen Stupples na mangha sa lakas at haba ng palo ni Bianca.

 

“There are just certain players who make you stop in your tracks, who make you say, whoa! something is happening here,” dagdag pa ni Stupples. “Tiger (Woods) did that. He revolutionized the game and made golf cool. Bianca could be that. She has that kind of potential. She could be a game-changer.”

Date: October 27, 2020 | By: Nelson Beltran | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pm-sports/2020/10/27/2052589/yuka-bianca-palaban-sa-tokyo/amp/