Wong, Didal, bibida sa sports webinar

Ilalarga sa Sabado, Mayo 23 ng Philippine Olympic Committe (POC) sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympians Association (POA) ang ikalawang segment ng Webinar Series para makatulong sa iba’t-ibang sektor partikular sa komunidad ng sports.

Pinangungunahan nina nina POA president Gillian Akiko Thomson Guevara at POC food and nutrition consultant Jeanet Aro, tampok na bisita sa POC Webinar second leg sina wushu artist Agatha Wong at skateboardibg star Margielyn Didal.

Tatalakayin nina Wong, Didal, Aro at Guevarra ang kanilang nga piling pagkain habang nasa panahon ng pandemic COVID-19.


Isasagawa ang live webinar sa POC FB page simula sa ganap na alas-saia nang gabi.

Samantala, nag-post naman si 2018 Indonesia Asian Games women’s taekwondo bronze medalist bronze medalist Pauline Louise Lopez sa kanyang Twitter account na @pauweenie, sa pangangailangan ng kicking pad, stand o rubber mat na magagamit habang patuloy na nagti-training.

Date: May 22, 2020 | By: Lito Oredo | Newspaper: Abante | Source: https://tonite.abante.com.ph/wong-didal-bibida-sa-sports-webinar/?fbclid=IwAR1f1_UYkoGCD7N_A0TpP0vqnXQjPPMw6V5HNYlpJe9qZXvO4biaqYfK4Bs