Tsansa ng Pilipinas sa Olympic gold lalakas

MANILA, Philippines — Sakaling mabigyan ng tiket para sa 2021 Olympic Games sina featherweight Nesthy Petecio at flywweight Carlo Paalam ay mas lalakas ang tsansa ng Pilipinas para sa gold medal.

Naniniwala si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas na makakakuha ng Olymic slot sina Petecio at Paalam.

“If we have four (boxers) in Tokyo, believe me we will have a medal in the Olympics,” wika ni Vargas kina Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Petecio at Paalam.

Ang middleweight na si Marcial at ang flyweight na si Magno ay nauna nang nakasuntok ng Olympic berth para sa quadrennial event na nakatakda sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Inihayag kamakailan ng Olympic organizers ang kanselasyon sa final world qualifying tournament sa Hunyo sa France dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

At dahil dito, ang mga highest-ranked boxers lamang ng Asia-Oceana, Americas, Europe at Africa ang bibigyan ng Olympic spot.

Date: February 22, 2021 | By: Russell Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/02/22/2079395/tsansa-ng-pilipinas-sa-olympic-gold-lalakas?fbclid=IwAR0RDLxby8XrBeqKxoRUfTb5cgKwUkzTWQRUBKyur6IvD73BV_PZ0xR_FgU