Torre unang PH GM na nabigyan ng pro-license

MANILA, Philippines – MAGING sa larangan ng chess, tunay na hindi pahuhuli ang atletang Pinoy sa talaan ng kasaysayan sa international sports.
Mula sa pagiging kauna-unahang Asian chess Grandmaster, tinanghal na kauna-unahang GM sa buong mundo si chess icon Eugene Torre na nabigyan ng government professional license.
“We congratulate Grandmaster Eugene Torre for becoming the first Grandmaster in the Philippines — and according to the record of the Professional Chess Association of the Philippines — in the world to receive a government professional license in chess,” pahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa ginanap na official announcement sa GAB-PCAP joint media conferemce via Google.
Kamakailan, tinanggap ng GAB ang aplikasyon ng PCAP, sa pamumuno ni Atty. Paul Elaria, at sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) para maging kauna-unahang professional chess sa bansa at sa Southeast Asia.
Tulad ng ibang pro league, iginiit ni Mitra na handa ang GAB na gabayan at tulungan ang NCAP, higit sa aspeto ng seguridad ng mga atleta, ngunit mananatiling nakaantabay lamang bilang paggalang sa pagkakaroon ng ‘self regulation’ ng mga pamunuan.
Pinasalamatan naman ni Torre ang GAB at ang pagkakaisa ng lahat ng stakeholders sa chess sa ipinapalagay niyang ‘breakthrough’ in Philippine chess.
Bilang isang lisensiyadong GAB pro chess player, pasok si Torre na makalaro sa PCAP na nakatakdang magbukas ng season sa Enero sa susunod na taon.
“Of course, entitled pong sumali si GM Torre, Actually, marami na pong team ang interesado, hindi lang po namin alam kung may napili na si GM,” sambit ni Elaria.

Date: November 19, 2020 | By: Rico Navarro | Newspaper: Remate | Source: https://www.remate.ph/torre-unang-ph-gm-na-nabigyan-ng-pro-license/?fbclid=IwAR3nDAA7v2tlvUole8YfSk3CU3hvBVSk15LLlpNZwj9OnW2thntnlNj8jHE