Seryosong training ang gagawin ni Marcial

MANILA, Philippines — Pagsasabayin ni middleweight Eumir Felix Marcial ang preparasyon para sa 2021 Olympic Games sa Tok-yo, Japan at ang debut niya bilang professional boxer sa United States.

Dumating na si Marcial sa US kamakailan kung saan sinalubong siya sa airport ni Sean Gibbons, ang pangulo ng MP Promotions ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ayon kay Gibbons, mag-eensayo ang 24-an-yos na tubong Zamboan-ga City sa ilalim nina Hall of Fame trainer Freddie Roach, assistant coach Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justin Fortune.

 

“He will start preparing for many, many things,” wika ni Gibbons kay Marcial. “Preparing for his 2021 Olympics, preparing for a possible debut later this year.”

Gagawin ni Marcial ang kanyang pro debut na isang non-title bout sa Nobyembre o Disyembre sa ilalim ng Premier Boxing Champions (PBC) ni Al Haymon.

“We’re so excited, the MP Promotions, to finally have Eumir here to start working up here in the famous Wild Card Gym,” dagdag ni Gibbons.


Pinasalamatan naman ni Marcial ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtulong sa kanyang makapunta sa US para paghandaan ang 2021 Tokyo Olympics.

Date: October 15, 2020 | By: Russel Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pm-sports/2020/10/15/2049748/seryosong-training-ang-gagawin-ni-marcial/amp/