Sen. Go, Rep. Nieto sa opening ng National Sports Summit 2021

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay pinasalamatan na ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sina Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at House Committee on Youth and Sports chairman. Rep.John Marvin “Yul Servo” Nieto.

“We are thankful to Sen. Go and Chairman Nieto for their support. We know how much they value the role of sports in nation-building,” ani Ramirez.

Sina Go at Nieto ang magiging panauhin para sa opening ceremonies ng National Sports Summit 2021 ngayon.

 

Ang NSS 2021 ay isang three-phased project na naghahangad na makuha ang opinyon ng mga sports stakeholder na maaaring gamitin para sa pundasyon ng paglalatag ng short hanggang long-term plan para sa Philippine sports.

Ang lahat ng datos na makukuha sa Sports Conversations, isang weekly conference-type online sessions na pamamahalaan ng PSC, ay pag-aaralan para makagawa ng mga resolusyon na ipiprisinta sa mga sports leaders.

Itatampok sa first session si United Sports Aca­demy (USSA) president T.J. Rosandich na tata­lakay sa “Sports Success from a First World Perspective”.


Higit sa 700 partisipante mula sa national sports associations, local government units, government agencies, schools, colleges, universities at sports-inte­rested parties ang nagpatala para sa nasabing online session.  

Date: January 27, 2021 | By: Russel Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/palaro/2021/01/27/2073212/sen-go-rep-nieto-sa-opening-ng-national-sports-summit-2021/amp/