SAMBOY AT JAMIE LIM ,GEM NG PHILIPPINE SPORTS

LIKE father, like daughter.


Katulad ng kanyang amang si legendary Avelino ‘Samboy Lim, si Jamie Christine Berberabe Lim ay achiever na rin sa larangan ng sports at nakapag-ambag na ng karangalan sa bansa.


Ang basketball idol na si Samboy na binansagang ‘The Skywalker ‘ sa Philippine Basketball Association ay naging miyembro ng champion Philippine team noong dekada ’80 bukod sa prestihiyosong Jones Cup title sa Taipeh ay frontliner din siya ng men’s basketball gold medalist Philippines noong 1985 Southeast Asian Games.

Ang 6’1″ cage superstar ay kabilang sa elite PBA Legends at isa sa pinakadakilang manlalaro ng naturang pro cage league.


Sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang yamang atleta ng bansa, Si Jamie ay nagpakitang-gilas naman sa ibang larangan ng palakasan- ang Olympic sport na ngayong Karate.


Sa suporta rin ng kanyang inang si lawyer Darlene Berberabe Lim, nagsimulang sumabak sa larangan ng karate si Jamie sa murang edad niyang 6-anyos.


Humakot na siya ng mga medalya sa mga lokal na torneo sa loob lang ng tatlong taon niya bilang young karateka kasunod nito ang paghakot ng mga gintong medalya sa internasyunal na eksena tampok dito ang prestihiyosong World Cup of Karate International Kumite sa Malaysia noong 2009.


Pansamantalang tumigil sa naturang competitive sport si Jamie at ibinuhos ang kanyang panahon sa akademya.


Tinapos ng batang Lim ang pag-aaral sa University of the Pilippibes Diliman bilang summa cum laude ng UP College of Science BS Graduate in Mathematic na alay niya sa kanyang mahal na amang si Samboy na sumasabak naman sa naiibang laban- ang pakikibaka sa kanyang karamdamang natamo noong 2014 sa kasagsagan ng PBA legends scrimmages.


Bago ang pandemya ay nag-alay pa rin ng karangalan si Jamie matapos nitong pagreynahan ang 2020 Karate Premiere League Kharkiv Open sa Ukraine sa kanyang dibisyon na bahagi ng kanyang preparasyon para sa 2020 Tokyo Olympic Qualifying tournament sana sa Paris, France pero dahil sa krisis mundial na Covid-19 ay naipagpaliban ito sa susunod na taong 2021.

Kumpiyansa si Lim na makakamit niya ang pangarap ng lahat ng atleta na makasabak sa ultimate goal na Olimpiyada at makamit ang pinakakamithing Olympic gold medal na isang mission possible.


“Discipline, grit and hardwork. With the help of our NSA- Karate Sports Federation of the Philippines headed by our president Richard Lim, our government and my inspiration- parents ko at kababayan, we have a strong chance to reach our ultimate goal,” optimistikong pahayag ni Jamie habang nasa komprehensibong training para sa Olympic qualifying.


Ang tagumpay na tinatamasa at makakamit pa ni Jamie ay kanyang pagyayamanin katulad ng kanyang ama’t ina na ituturing niyang gintong medalya sa akademya at sports na katumbas din ng panalong paggaling sa laban ni Samboy sa kanyang karamdaman sa abot-kamay na hinaharap.

Date: November 18, 2020 | By: Danny Simon | Newspaper: Gilas Sports News | Source: https://gilassportsnews.com/samboy-at-jamie-lim-gem-ng-philippine-sports/?fbclid=IwAR2y-3hCyGpe70TQHgmEdATVnpO2-jTZYG24PjjgY7gfNb7i7W0IIuMrrzQ