PSC gagamit ng ‘hybrid’ format sa idaraos na Philippine Sports Hall of Fame awarding

MANILA, Philippines — Gagamit ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang unique “hybrid” format para sa kanilang pagdaraos ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang ilang inductees ay maaaring pisikal na dumalo sa awarding ceremony  habang ang iba ay sasaksi sa nasabing event via virtual.

Orihinal na itinakda ang pagsasagawa ng PSHOF noong nakaraang taon bago iniatras ngayong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sampung Filipino sports heroes ang iluluklok sa fourth batch ng Hall of Fame na tatanggap ng tig-P200,000.

“We have increased the amount of the token because of the needs in these times,” ani PSHOF secretariat head Anna Christine Abellana.

Higit sa 40 legendary athletes mula noong 1924 hanggang 1994 ang nakatanggap ng nominasyon kasama ang namayapang si Ed Pacheco, naglaro para sa national football at basketball teams.

Sa Marso 5 ay ilalabas ng review committee na binubuo ng sports mediamen mula sa broadcast at print ang kanilang short list.

Date: February 21, 2021 | By: Russel Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/02/21/2079179/psc-gagamit-ng-hybrid-format-sa-idaraos-na-philippine-sports-hall-fame-awarding?fbclid=IwAR10kyPXZkO-dUG1gexSoJ3G6LRwR6rJX3RnmXNb_6NzWjtp388KyuXVLYE