Obiena determinadong mapaganda ang talon sa Tokyo Olympics

MANILA, Philippines — Mas lalo pang nagiging determinado si Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena na paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Sa nilahukang Karlsruhe World Indoor Tour Meeting sa Germany ay nagtayo si Obiena ng bagong Philippine record nang iposte ang 5.62 meters para ibasura ang sarili niyang 5.43m mark.

“Slow and steady, giving it all to better myself and make a mark in the Olympics. No rest for the determined,” sabi ng 25-anyos na Pinoy pole vaulter.

 
Tumapos sa pang-limang puwesto sa Obiena sa naturang torneo kung saan inangkin ni two-time Olympic medalist Renaud Lavillenie ng France ang gold medal sa kanyang 5.95m. kasunod sina Americans Matt Ludwig (5.80m) at Cole Walsh (5.72m).

Sinabi ng 6-foot-2 pole vaulter na mas lalo pa siyang magsusumikap na mapaganda ang kanyang performance papalapit sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 
Nakatakdang sumalang si Obiena sa ISTAF Indoor Berlin competition sa Pebrero 5 sa Mercedes Benz Arena sa German capital.

Date: February 1, 2021 | By: Russel Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/02/01/2074349/obiena-determinadong-mapaganda-ang-talon-sa-tokyo-olympics?fbclid=IwAR3qShWAj1wQu2xYZN4uFSlNTqWqh9XQnB2iN3T93gZwL9UCNKTdVO8_L50