National athletes home-based training ang ginagawa

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Sports Commission na hindi nagpapabaya sa kanilang kondisyon ang mga national athletes sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa pamamagitan ng online workouts ay patuloy ang ginagawang pagsasanay ng mga miyembro ng Philippine national team.

Bukod sa PSC, minomitor din ng kani-kanilang mga National Sports Associations ang pagwo-workout ng mga national athletes sa mga bahay nila.

 
“They have been home-based training, trying to keep their best physical shape with the help of the national sports associations,” wika ni PSC Commissioner Ramon Fernandez.

Plano rin ng sports agency na magsagawa ng online coaching seminars para sa mga national coaches.

 
Pinauwi ng PSC ang mga national athletes at coaches sa kanilang mga lugar matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila noong Marso bunga ng COVID-19 pandemic.

Patuloy pa ring natatanggap ng mga national athletes at coaches ang kanilang mga monthly allowances.

Inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region.

Sa ilalim ng GCQ ay pinapayagan na ang mga non-contact sports kagaya ng golf, tennis, badminton, swimming, equestrian at skateboarding.

Date: May 28, 2020 | By: Russel Cayadona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2020/05/28/2016922/national-athletes-home-based-training-ang-ginagawa?fbclid=IwAR3JehUBaBuul3aQXbUyC94IUM2si1CM7tWT6gf5SpZ0aoZ-TPKEkvLWBVY