NADAL TODO PAPURI KAY EALA

NADAGDAG si 22-time tennis Grand Slam champion Rafael Nadal sa humahabang listahan ng mga nagpapadala ng congratulatory messages kay Pinay rising star Alex Eala.

Pinuri ni Nadal sa social media si Eala makaraang umangat ang 15-year-old sa no. 2  sa world junior girls rankings

“Very happy for you and keep up the hard work and great results,” pahayag ni Nadal,  na nakopo ang kanyang record 13th French Open title kamakailan, sa Twitter hinggil sa pinakabagong achievement ni Eala.

Nakamit ni Eala ang bagong ranking kasunod ng historic run sa French Open juniors tournament, kung saan umabot siya sa semifinals. Siya ang unang Pinay na sumampa sa semifinal round ng isang Grand Slam tournament.

Ang tennis ace ay isa ring iskolar sa  Rafa Nadal Academy sa Spain.

Date: October 16, 2020 | Newspaper: Pilipino Mirror | Source: http://pilipinomirror.com/nadal-todo-papuri-kay-eala/