Lim nananatiling palaban!

MANILA, Philippines — Bagama’t hindi binibigyan ng malaking tsansa para makakuha ng tiket sa 2021 Olympic Games ay hindi ito dahilan para siya panghinaan ng loob.

Para makapagbulsa ng Olympic berth ay kaila-ngang magtapos si national karateka Jamie Lim sa Top Three sa kanyang nilalaruang women’s +61 kilogram kumite sa Olympic qualifying tournament sa Hunyo ng susunod na taon sa Paris.

“It won’t be easy, and some may say it’s a long shot, but I’ll do everything and prepare the best way I can to win it (qualifiers),” wika ng anak ni PBA legend Samboy Lim.

 

Isa ang 22-anyos na Pinay karateka na naghahangad ng Olympic slot sa Tokyo, Japan bukod kina Fil-Japanese Junna Tsukii at Fil-Am Joane Orbon.

Inangkin ni Lim ang gold medal sa women’s +61kg category habang nagreyna naman si Tsukii sa women’s -50kg. division.

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay hindi natuloy ang Olympic qualifying tournament noong Mayo at itinakda sa Hunyo ng 2021.


“I’m just very focused on what’s to come. Right now, ‘yung biggest focus siyempre is ‘yung Olympic qualifiers,” wika ni Lim. “It’s the biggest competition I’ll be joining.”

Hindi pa rin nakakapag-ensayo si Lim at ang iba pang national karatekas dahil kasalukuyang ginagamit ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang training venue bilang quarantine facility sa pagsagupa sa COVID-19 pandemic.

Nauna nang nakakuha ng Olympic spot sina bo­xers Eumir Felix Marcial at Irish Magno, gymnast Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.

Date: July 31, 2020 | By: Russell Cayadona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/palaro/2020/07/31/2031778/lim-nananatiling-palaban/amp