Knott determinadong makuha ang Olympic qualifying standard

MANILA, Philippines — Hawak ang mga Philippine records sa women’s 100-meter at 200-meter run, kumpiyansa si athletics president Philip Ella Juico na makukuha ni Fil-American trackster Kristina Knott ang qualifying standard para sa 2021 Olympic Games.

Kailangang makamit ng 25-anyos na si Knott ang qualifying mark na 22.8 segundo sa women’s 200m para makasikwat ng Olympic berth sa quadrennial event na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“I’m confident that Kristina will qualify on her own. In fact, she wants that,” ani Juico, ang pangulo ng Phi­lippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Bitbit ni Knott ang mga PHL records sa wo­men’s 100-meter at 200-meter run sa kanyang 11.27 segundo at 23.01 segundo, ayon sa pagkakasunod.

Tanging si pole vaul­ter Ernest John Obiena, ang gold medalist sa 30th Southeast Asian Games noong 2019, pa lamang ang atleta ng PATAFA na may Olympic ticket.

Itinakbo ni Knott, nagsasanay sa Arkansas, USA, ang mga gold medal sa women’s 200m at 4x100m mixed relay noong 2019 SEA Games.

Bukod kay Knott, tumatarget din ng Olympic spot si Fil-Am hurdler Eric Cray na nakabase sa Te­xas, USA.

Date: February 22, 2021 | By: Russell Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/02/22/2079399/knott-determinadong-makuha-ang-olympic-qualifying-standard?fbclid=IwAR3bo_xEwUs0xA2oaHp_qnIl11vZ55bMttHyXDtlWVAhaSJrYWHhbzMtuYg