Gold uli kay De Los Santos

Sa Katana E-tournament


MANILA, Philippines  — Patuloy ang matikas na ratsada ni World No. 1 Orencio James De Los Santos nang angkinin nito ang panibagong gintong medalya sa Katana Intercontinental Karate League E-Tournament.

Inilampaso ni De Los Santos si Juan Chio ng Costa Rica sa gold-medal match sa pamamagitan ng impresibong 26.1-25.1 desisyon.

Ito ang unang pagkakataon na sumampa sa 26 puntos ang iskor ni De Los Santos sa online tournament kaya’t lubos ang kasiyahan nito.

 
“I scored over  a 26 for the first time. I won it as the first  eKata player to ever score 26. To my kata coach, this is a record for us,” wika ni De Los Santos.

Nakapasok sa championship round si De Los Santos matapos igupo sina Nejc Sternisa ng Slovenia sa semifinals at Choukri Abdellatif ng Morocco sa Round-of-8.

 
Ito ang ika-16 gintong medalya ni De Los Santo sa online tournament.

Huling nagkampeon si De Los Santos sa 1st Euro Grand Prix E-Tournament 2020 at 2nd E-Karate Games 2020.

Date: October 28, 2020 | By: Chris Co | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2020/10/28/2052726/gold-uli-kay-de-los-santos