EJ Obiena lalo pang nag-i-improve

MANILA, Philippines — Maaari pang magtala ng bagong Philippine record si Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena habang papalapit ang kanyang pagsabak sa 2021 Olympic Games sa Tok-yo, Japan.

Ito ay matapos iposte ni Obiena ang kanyang bagong national indoor record na 5.62 meters para basagin ang luma niyang 5.43m sa nilahukang Karlsruhe World Indoor Tour Meeting sa Germany.

“Slow and steady, gi-ving it all to better myself and make a mark in the Olympics. No rest for the determined,” post sa Facebook ng 6-foot-2 na pole vaulter na isa sa apat na national athletes na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 
Sa naturang indoor tournament ay tumapos si Obiena sa pang-limang puwesto.

Inangkin ni two-time Olympic medalist Re-naud Lavillenie ng France ang gold medal sa nilundag na 5.95m kasunod sina Americans Matt Ludwig (5.80m) at Cole Walsh (5.72m).

 
Inilagay ang 25-anyos na si Obiena sa wait-list sa ISTAF Indoor Dusseldorf event at kung sakaling maisama siya ay bibiyahe sila ni Brazilian training partner Thiago Braz, ang gold medalist noong 2016 Rio de Janeiro Olympics, sa nasabing siyudad mula sa Karlsruhe.

Mula sa training camp sa World Athletics elite training center sa Formia, Italy ay lumipat sina Obiena, Braz at Ukranian coach Vitaly Petrov sa indoor track facility sa Padua University Sports Centre sa Germany.

Susunod na sasabak si Obiena sa ISTAF Indoor Berlin competition sa Peb-rero 5 sa Mercedes Benz Arena sa German capital.

Date: February 1, 2021 | By: Russel Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2021/02/01/2074439/ej-obiena-lalo-pang-nag-i-improve?fbclid=IwAR3iQU0by6TkfOVACzMRCEZetjxip6syHM8yy8JTZl2lSy5s1wxBLYhVr90