500 booster shots bigay ng MVPSF para sa Philippine SEAG team

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pagsuporta ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan sa mga national athletes.

Sa katunayan ay nag-donate ang kanyang MVP Sports Foundation (MVPSF) ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

“It’s absolutely a big help,” wika kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa tulong ni Pangilinan.

Sinabi ni MVPSF president Al Panlilio, namumuno sa vaccination program ng POC, na ang nasabing booster shots ay bahagi ng kanilang commitment sa POC kung saan siya tumatayong First Vice President.

“This is our early commitment to the POC and the moment all documents have been completed by the delegation members, they’ll immediately get their booster shots,” sabi ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at president at CEO ng Smart at PLDT.

Idedepensa ng Pinas ang overall championship na napanalunan noong 2019 sa kanilang pagsalang sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-23.

Isasabak ng POC ang 626 athletes sa 39 ng kabuuang 40 sports sa nasabing biennial event.

Date: January 8, 2022 | By: Russell Cadayona | Newspaper: Philippine Star | Source: https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2022/01/08/2152465/500-booster-shots-bigay-ng-mvpsf-para-sa-philippine-seag-team?fbclid=IwAR0N6KHeklDatj8zeupuQZHm03EcKXEOBam86_4kBXSrnC1qPKnvAupERfY