4 na sports idinagdag sa Vietnam SEA Games

Ikinatuwa ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagsama ng apat na karagdagang sports sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games.

Ilan kasi sa idinagdag na bagong sports ay ang Jiu jitsu, triathlon, bowling at esports.

 
Sinabi pa ni Tolentino na ang pagsama ng nasabing apat na sports ay mula sa kaniyang kahilingan.

Nakakuha kasi ang bansa ng kabuuang 11 na medalya noong 2019 SEA Games sa mga sports na Jiu jitsu, triathlon at esports.

Isasagawa ang 2021 SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

Date: October 16, 2020 | By: Jovino Galang | Newspaper: Bomboradyo | Source: https://www.bomboradyo.com/4-na-sports-idinagdag-sa-vietnam-sea-games/