Calbayog City – Pilit na pananatiliin ng Bago City ang tradisyon at pagkilala bilang sentro ng pinakamahuhusay na amateur boxers sa bansa sa pagnanais na perpektong masungkit ang siyam na gintong medalya sa pagsasagawa ng 2018 PSC-Pacquaio Amateur Boxing Cup Visayas Semifinals ngayong hapon sa Calbayog Bus Terminal.
 
Pinagmulan ng mga premyadong national boxers tulad ng magkapatid na Roel at Onyok Velasco pati sina Reynaldo at Vicente Galido gayundin ang coach nito na si Larry Semillano ay sasagupa ang siyam na boksingero ng Bago City para sa siguradong tansong medalya at silya sa kampeonato.
 
Maliban sa Bago City ay sasagupa din para sa posibleng mga gintong medalya ang Omega-Cebu (5), Victorias (5), Murcia (4), Cebu (3), Cadiz (2), Escalante (2), CCSI (1), Bayawan (1), La Carlota (1), Sipalay (1), SBC (1), Negros Occidental (1) at Leyte Sports Academy (1).
 
Kabuuang 19 na laban na lamang ang naitakda matapos hindi makarating ang ilang delegasyon upang maiwanan sa 38 boksingero na lamang ang magsasagupa sa mula sa iba’t-ibang rehiyon ng Visayas.
 
Sinabi nina Technical Supervising Director Rogelio Fortaleza at Coordinator Annie Ruiz na nakasiguro na agad ng tansong medalya ang bawat sasagupa ngayong hapon habang may tsansa pa rin ito mapaangat ang kanilang iuuwing medalya kung makakapagwagi at makakatuntong sa kampeonato.
 
Una nang sumagupa ang 38 boxers simula sa isinagawang preliminaries hanggang quarterfinals bago nasiguro ang tansong medalya sa pagtuntong sa semifinals ng Visayas Leg.
 
“All of these boxers are assured of a bronze medal, and a seat in the national championships,” sabi ni Ruiz. Calbayog Pilot Central School.
 
Dagdag na insentibo sa medalyang mapapanalunan sa Visayas semifinals ang pagkakasiguro din ng kanilang silya sa mas mahirap na yugto ng torneo na National Championships.
 
Maglalabo-labo muli ang lahat ng mga boxers na nagwagi sa Luzon, Visayas at Mindanao sa National Championship na dadaan sa preliminaries na gagawin sa Mandaluyong City sa Hunyo 16-17, uusad sa quarterfinals sa Hunyo 23-24 sa Tagbilaran, Bohol sa Hunyo9-10, sa semifinals sa Hunyo 30 sa Tagum City, Davao Del Norte at panghuli sa National Finals sa Hulyo 7 sa Sarangani Province.
 
Tampok sa maglalaban ang kababaihan sa Junior Girls Pinweight (44-46kg) sa pagitan nina Tricia Marie Llamas (Cebu)  kontra Jilyn dela Cruz (LSA) habang naka-bye si Jeyann Medriano (Talisay).
 
Magsasagupa sa Junior Boys Pinweight (44-46kg) sina Kane Paul Redondo (Neg. Occidental) vs. Kim Catedrilla (SBC) at Rodel Gamo (Bago) vs. Armand Jake Aragon (Murcia) habang magtatapat sa Junior Boys Light Flyweight (48kg.) sina Eduardo Jimenez (Cebu) vs. Eduardo Luceno Jr. (Escalante) at Samuel Manale (Bago) vs. Jim Paul Dignos ng Omega o Cebu.
 
Magsasalpukan sa Junior Boys Flyweight (50kg.) sina Gaudfrey Lubiano (Omega) vs Christian Lanchica (Victorias) at Joshua Belicena (Bago) vs. Nixon Anito (Sipalay) habang sa Junior Boys Light Bantamweight (52kg.) sina Jorin Varona (La Carlota) vs. Jowil Saludo (Victorias) at ang pares nina Flint Jara (Bago) vs. Jonimel John Dajao (Murcia).
 
Agawan sa Junior Boys Bantamweight (54kg.) sina Sugar Ray Montales (Bago) vs. James Bryan Wild (Omega) at sina Iann Lloyd Gesalan (Maasin) vs. Arby Jay Bernil (Murcia) habang bakbakan sa Youth Boys Light Flyweight (46-49kg.) sina Michael Adolfo (Cadiz) vs. Edmund Oro (Escalante) at Carlo Guevarra (Bago) vs. John Paul Gabunelas (Cebu)
Tampok sa Youth Boys Flyweight (52kg.) sina Geniel Alit (Victorias) vs. Nel Tambanillo (Bago) at Johnro Taneo (CCSI) vs. Mark Alob (Cadiz) habang sa Youth Boys Bantamweight (56kg.) sina Herlan Gomez (Victorias) vs. Jasper John Anida (Bago) at sina Mike Angelo dela Torre (Murcia) vs. Jhorhe Pasculado (Omega).
 
Huling magsasagupa sa Youth Boys Lightweight (60kg) sina Reymart Soledad (Victorias) vs. Romer Pinili (Bayawan) at Jarah Hury Aragon (Omega) vs. Mark Lyndon Bolanos (Bago).

 

 
By: Angelito Oredo