Calbayog City – Kabuuang 21 silya sa kampeonato ang pag-aagawan Sabado ng hapon sa pagsasagupa ng 42 boxers mula sa iba’t-ibang rehiyon ng Visayas sa pagsambulat ng aksiyon sa PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup Visayas Semifinals Round na gaganapin sa East Awang Covered Court sa Brgy. Bagacay dito.

 

Sinabi nina Technical Supervising Director Rogelio Fortaleza at Coordinator Annie Ruiz na magsasagupa ang mga nagsipagwagi simula sa isinagawang preliminaries hanggang quarterfinals bago nakasiguro ng tansong medalya sa kanilang pagtuntong sa semifinals.

 

“All of these boxers are assured of a bronze medal, and a seat in the national championships,” sabi ni Ruiz.

 

 

 

Maliban sa medalyang kanilang mapapanalunan sa Visayas semifinals ay dagdag na insentibo sa magwawagi ang pagkakasiguro din ng kanilang silya sa national championships.
 

 

Maglalabo-labo ang lahat ng mga boxers na nagwagi sa Luzon, Visayas at Mindanao sa preliminaries na gagawin sa Mandaluyong City sa Hunyo 2-3, bago umusad sa quarterfinals sa Tagbilaran, Bohol sa Hunyo9-10, sa semifinals sa Hunyo 16 sa Tagum City, Davao Del Norte at panghuli sa National Finals sa Hunyo 22 sa Sarangani Province.

 

 

 

Tampok sa maglalaban ang kababaihan sa Junior Girls Pinweight (44-46kg) sa pagitan nina Tricia Marie Llamas (Cebu)  kontra Jilyn dela Cruz (LSA) habang naka-bye si Jeyann Medriano (Talisay).
 

 

Magsasagupa sa Junior Boys Pinweight (44-46kg) sina Kane Paul Redondo (Neg. Occidental) vs. Kim Catedrilla (SBC) at Rodel Gamo (Bago) vs. Armand Jake Aragon (Murcia) habang magtatapat sa Junior Boys Light Flyweight (48kg.) sina Eduardo Jimenez (Cebu) vs. Eduardo Luceno Jr. (Escalante) at Samuel Manale (Bago) vs. Johncy Dolorosa (Victorias).
 

 

Magsasalpukan sa Junior Boys Flyweight (50kg.) sina Gaudfrey Lubiano (Omega) vs Christian Lanchica (Victorias) at Joshua Belicena (Bago) vs. Nixon Anito (Sipalay) habang sa Junior Boys Light Bantamweight (52kg.) sina Jorin Varona (La Carlota) vs. Jowil Saludo (Victorias) at ang pares nina Flint Jara (Bago) vs. Jonimel John Dajao (Murcia).

 

 

 

Agawan sa Junior Boys Bantamweight (54kg.) sina Sugar Ray Montales (Bago) vs. James Bryan Wild (Omega) at sina Iann Lloyd Gesalan (Maasin) vs. Arby Jay Bernil (Murcia) habang bakbakan sa Youth Boys Light Flyweight (46-49kg.) sina Michael Adolfo (Cadiz) vs. Edmund Oro (Escalante) at Carlo Guevarra (Bago) vs. John Paul Gabunelas (Cebu).
 

 

Tampok sa Youth Boys Flyweight (52kg.) sina Geniel Alit (Victorias) vs. Nel Tambanillo (Bago) at Johnro Taneo (CCSI) vs. April Jay Abne (Omega) habang sa Youth Boys Bantamweight (56kg.) sina Herlan Gomez (Victorias) vs. Jasper John Anida (Bago) at sina Mike Angelo dela Torre (Murcia) vs. Jhorhe Pasculado (Omega).
 

 

Huling magsasagupa sa Youth Boys Lightweight (60kg) sina Reymart Soledad (Victorias) vs. Romer Pinili (Bayawan) at Jarah Hury Aragon (Omega) vs. Mark Lyndon Bolanos (Bago).

 

 

By: Angelito Oredo