Oroquieta City  , Philippines  — Tu­mak­bo si Albert Jose Villa­ces ng Zamboanga City ng 11.5 segundo sa 100-meter dash para mahirang na pi­­­nakamabilis na atleta sa athletic event ng Batang Pinoy Min­danao Qualifying Leg ka­hapon sa Misamis Oc­ci­dental Provincial Athletic Center dito.

Naungusan ni Villaces si Mark Dave Manaba ng General Santos City sa hu­ling 10 metro para umusad sa national finals sa Baguio City sa Setyembre.

Si Manaba ay nagpos­te ng 11.7 segundo kasunod si Ryan Jay Pedregosa (11.8) ng South Cotabato.

Si Aleah Callejo ng Koronadal City ang nagreyna sa girls’ century dash sa kanyang 13.05 segundo sa itaas nina Rani Dedios ng Gen. Santos City (13.1) at Hazel Jean Guibone ng Davado del Norte (13.02).

Humakot na rin ng tatlong gintong medalya si Andrea Annabela De Guia ng Davao City matapos mag­­wagi sa girls’ 1,500-m run (5:05.4).

Nauna nang nanalo si De Guia sa girls’ 400-m run (1:02) at 3,000-m run (11:04).

“First time ko po dito sa Batang Pinoy, kaya ma­laking bagay po sa akin ang panalong ito,” wika ni De Guia.

 

Date: March 10, 2018 | By: Francisco Cagape | Newspaper: Philippine Star Ngayon | Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2018/03/10/1795288/villaces-itinakbo-ang-ginto-sa-100m-dash